Storytelling Sessions

Adarna Group Foundation, Inc. aims to make storytelling relevant to the digital world and feature children’s books made by Filipinos, for Filipinos. Guided by these goals, the Foundation developed a collection of storytelling videos with the help of passionate and talented volunteer storytellers.

Skip to Videos
  • EDSA
    12/9/22

    EDSA

    Sari-saring makikita. Iba’t ibang karanasan. Ano ang naganap sa gitna ng EDSA? Paano nagkaisa ang taumbayan? Ating balikan ang isa sa pinakamahalagang pangyayari sa ating kasaysayan. 🇵🇭

    Ikinuwento ni Russell Molina, iginuhit ni Sergio Bumatay III, at inilimbag ng Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa #stories #storytelling

  • The Magic Arrow
    12/2/22

    The Magic Arrow

    The mighty king always says “NO—NO to books with colorful pictures, reading out loud, and singing and laughing in the streets. 🚫 What happens when the island kingdom’s blacksmith decides it’s time for the king to change his mind?

    Tune in to The Magic Arrow to find out! 🏹 Written by Bolet Banal, illustrated by Korinne Banal, and published by Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa #stories #storytelling

  • Paruparong Bukid
    11/23/22

    Paruparong Bukid

    Kabilang sa seryeng nagtatampok ng mga awiting kagigiliwan ng mga bata. 🎶

    Ito ang Paruparong Bukid. 🦋 Guhit ni Asa Montenejo at limbag ng Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Kapitbahay Kubo
    11/18/22

    Kapitbahay Kubo

    Kapitbahay kubo, kahit munti, ang halaman doon ay marami! 🥕🍆🥬🍌

    Alamin natin kung anu-anong halaman ang mga ito sa Kapitbahay Kubo! 🛖 Ikinuwento at iginuhit ni Pergylene Acuña, at inilimbag ng Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Kung May Dinosaur sa Kamalig ni Lolo
    11/11/22

    Kung May Dinosaur sa Kamalig ni Lolo

    Paano mag-alaga ng isang dinosaur? 🤔

    Sabay-sabay nating alamin sa Kung May Dinosaur sa Kamalig ni Lolo. 🦖 Kuwento ni Kora Dandan-Albano, guhit ni Iori Espiritu, at limbag ng Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakakabasa

  • Sungit
    10/27/22

    Sungit

    A little girl experiences stormy feelings throughout her day in Sungit. 😠

    Written and illustrated by Liza Flores and published by Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Mákináng Makináng
    10/19/22

    Mákináng Makináng

    Galing pa pala sa nanay ng nanay ni Nanay ang mákináng makináng. Mamanahin ko rin kaya ito mula sa kaniya pagdating ng panahon? 💭

    Tunghayan kasama ng buong pamilya ang kuwento nating ngayong linggo: Mákináng Makináng. ✨ Ikinuwento ni Genaro R. Gojo Cruz, iginuhit ni Conrad Raquel, at inilimbag ng Adarna House.

    Ang aklat na ito ay nanalo ng 2016 PBBY-Salanga Prize, Grand Winner. 🏆

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Si Mona Ballerina
    10/12/22

    Si Mona Ballerina

    Kaarawan ni Mona at pupunta sila ni Tatay sa bilihan ng damit. 👗 May mahanap kaya siyang gusto niya? 🧐

    Alamin sa Si Mona Ballerina. 🩰💫 Kuwento ni Weng Cahiles, guhit ni Pat Portugal, at limbag ng Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Boy Kendeng
    9/28/22

    Boy Kendeng

    Mahilig sumayaw si Boy Kendeng. Kendeng dito, kendeng doon! 🕺🏻 May gusto rin siyang sabihin. Ano kaya ito? 🤔

    Tara’t alamin sa Boy Kendeng! 🧑🏻‍🦱 Ikinuwento at iginuhit ni Dominic Agsaway at inilimbag ng Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Maghapon Namin ni Nanay
    9/21/22

    Maghapon Namin ni Nanay

    Nagbabasa man o nagtatawanan, naglalaro man o nagluluto, kay saya ng araw kapag magkasama kami ni Nanay! 👩‍👧🌸

    Sa mga ina, tumatayong ina, o may inaalala at minamahal na ina, para sa inyo ang aklat na ito! Tayo na’t tunghayan ang Maghapon Namin ni Nanay. 🫶🏻 Kuwento ni Genaro Gojo Cruz, guhit ni Nicole Lim, at limbag ng Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Bahay Kubo
    9/7/22

    Bahay Kubo

    Bahay kubo, kahit munti

    ang halaman doon ay sari-sari! 🎶

    Kilala bilang awitin, ngayo’y ating pakinggan bilang kuwento ang Bahay Kubo! 🛖 Iginuhit ni Pergylene Acuña at inilimbag ng Adarna House.

    Ang aklat na ito ay nanalo ng Save the Children Award, 3rd National Children’s Book Awards. ✨

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Papa's House, Mama's House
    8/25/22

    Papa's House, Mama's House

    Inilalahad mula sa tinig ng isang bata, ipinaaalala ng librong ito na ang mga batang kasama ang dalawang magulang sa iisang tahanan ay pinalalaki at minamahal nang ‘di kaiba sa mga batang may dalawang tahanan. 🏠❤️

    Ang Papa’s House, Mama’s House ay nagwagi bilang PBBY-Salanga Grand Prize Winner at PBBY-Alcala Grand Prize Winner noong 2004. 🥇 Ito ay isinulat ni Jeanette Patindol, iginuhit ni Mark Salvatus, at inilimbag ng Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Hating Kapatid
    8/18/22

    Hating Kapatid

    Hati kami ni Kuya sa anumang pagkain. 🍌🥧🍰🍬 Pero bakit palaging mas marami at mas malaki ang napupunta sa kaniya? Ganito ba talaga ang hating kapatid?

    Halina’t alamin ang tunay na kahulugan ng patas na pagbibigayan sa Hating Kapatid! Kuwento ni Raissa Rivera Falgui, guhit ni Fran Alvarez, at limbag ng Adarna House.

    Ang aklat na ito ay nanalo ng 2014 Best Reads for Kids, 3rd National Children’s Book Awards. 🏆

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Si Dindo Pundido
    8/11/22

    Si Dindo Pundido

    Sa magkakapatid na alitaptap, tanging si Dindo lang ang pundido. Ngunit sa gitna ng panunuya sa kaniya, patutunayan ni Dindo na wala sa taglay na ilaw ang tunay na ✨ningning✨ ng isang alitaptap.

    Tara na at tunghayan ang unang tampok na aklat ngayong Agosto: Si Dindo Pundido! 🌟 Kuwento at guhit ni Jomike Tejido at limbag ng Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Ang Madyik Silya ni Titoy
    8/5/22

    Ang Madyik Silya ni Titoy

    Nandito na ang madyik silya ni Titoy! Kaya nitong maging kotse🚕, eroplano✈️, o tren🚉. Sumamang maglakbay at tuklasin kung paano nalagpasan ni Titoy ang kapansanan sa tulong ng kaniyang mapaglarong imahinasyon.

    Pakinggan ang kuwentong Ang Madyik Silya ni Titoy! Kuwento ni Russell Molina, guhit ni Marcus Nada, at limbag ng Adarna House. Ang kuwentong ito ay nanalo ng Gintong Aklat Award, First Runner-up noong 2004.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Papel de Liha
    8/5/22

    Papel de Liha

    Ang kuwentong ito ay isang parangal sa kadakilaan ng isang ina. Magaspang ang kaniyang palad dahil sa dami ng gawain sa bahay, pero lumalambot at gumagaan ang kaniyang kamay kapag nag-aalaga ng anak.

    Ang kuwentong Papel de Liha ay nanalo noong 1996 National Book Award for Best Children’s Book at first prize noong 1995 Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Short Story for Children. Ito ay isinulat ni Ompong Remigio, iginuhit ni Beth Parrocha Doctolero, at inilimbag ng Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Si Pilong Patago tago
    8/5/22

    Si Pilong Patago tago

    “Bulaga! Hindi ninyo ako nakita, ‘no?” 👀

    Hay, si Pilo! Mahilig magtago.

    Hindi kaya siya napapagod sa ganitong paglalaro?

    Ating alamin saan pa kaya nagtago ang batang si Pilo! 👦🏽 Pakinggan ang kuwentong Si Pilong Patago-tago. Kuwento ni Kristine Canon, guhit ni Leo Alvarado, at limbag ng Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • But That Won't Make Me Sleep
    7/4/22

    But That Won't Make Me Sleep

    Nahihirapan si Maya na makatulog 😴 Nasubok na ni Nanay halos lahat, pero dilat na dilat pa ring nakahiga si Maya. Ano kaya ang pumipigil sa antok ni Maya? 🤨

    Ating alamin mula sa kuwentong But That Won't Make Me Sleep ✨🌙 Kuwento ni Annie Denise Lumbao, guhit ni Liza Flores, at limbag ng Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Paano Kumain ng Kulay?
    7/4/22

    Paano Kumain ng Kulay?

    Paano ba kumain ng kulay? Ano kaya ang lasa ng pula? Ng dilaw? Ng lungtian? Tara na't tikman ang bahaghari! 🌈🌈🌈

    Pakinggan ang tulang Paano Kumain ng Kulay? na gawa ni Mabi David, guhit ni Yas Doctor, salin ni Karla Rey, at limbag ng Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Apolakus!
    7/4/22

    Apolakus!

    Isang Lunes nang umaga, nawala ang batang si Dadoy at biglang lumitaw ang isang batang madyikero. Sa isang kumpas ng mahiwagang patpat at isang tumataginting na “Gimokus apolakus!” may mga kakaibang nagaganap. Pero kapag kaharap ng batang madyikero sina Jay-Jay at Yuki, nawawalan siya ng kapangyarihan. Paano sila matatalo ng batang madyikero?

    Ating alamin sa kuwentong Apolakus! ✨ Kuwento ni Alice Mallari, guhit ni Leo Agtuca, at limbag ng Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Bru-ha-ha-ha-ha-ha... Bru-hi-hi-hi-hi-hi...
    6/9/22

    Bru-ha-ha-ha-ha-ha... Bru-hi-hi-hi-hi-hi...

    Dapat bang husgahan ang tao batay sa kaniyang panlabas na anyo? Alamin ang malungkot na buhay ng isang matandang babae at kung paano siya tinanggap ng ating batang bida sa kuwentong puno ng tawanan at pag-unawa.

    Ating basahin ang kuwentong Bru-ha-ha-ha-ha-ha... Bru-hi-hi-hi-hi-hi... Kuwento ni Ma. Corazon Remigio, guhit ni Roland Mechael Ilagan, at limbag ng Adarna House.

    Ang aklat na ito ay nagwagi ng 1995 PBBY-Salanga Writer’s Prize at 1995 PBBY-Alcala Illustrator’s Prize 👏👏👏

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Si Lola Apura at si Lolo Un Momento
    6/9/22

    Si Lola Apura at si Lolo Un Momento

    Si Lola Apura at si Lolo Un Momento—sa kilos at itsura ay talagang magkaiba. Pero saan man magpunta at anuman ang gawin, sila'y nagtutulungan at palaging masaya!

    Ating pakinggan ang kuwentong Si Lola Apura at si Lolo Un Momento 👵🧓 Kuwento ni I.S.A. Lopez, guhit ni Vanessa Tamayo, at limbag ng Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Kung Linggo
    6/9/22

    Kung Linggo

    "Kung Linggo, nag-iimbita ako ng 🐯Tigre..."

    Ano kaya ang ginagawa ng ating kaibigan kasama ang tigre? 🤔 Ating alamin sa kuwentong Kung Linggo! Kuwento ni Virgilio S. Almario, guhit ni Abi Goy, at limbag ng Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Haluhalo Espesyal
    5/8/22

    Haluhalo Espesyal

    Isang linggo nang may sakit si Jackie! 😲 Pinapainom siya ng kaniyang nanay ng lahat ng gamot na kailangan niya, pero walang gumagana. Pero biglang bumisita si Lola Itang. Maibabalik kaya ng mahiwagang kusina ni Lola Itang ang lusog at ligaya ni Jackie? 🤔

    Alamin sa kuwentong Haluhalo Espesyal! Kuwento ni Yvette Fernandez, guhit ni Jill Arwen Posadas, at limbag ng Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Si Putot
    5/8/22

    Si Putot

    Bakit kaya malungkot si Putot? ☹️ At ano kaya ang mayroon sa kaniyang buntot? 🧐 Ating alamin sa kuwentong Si Putot 🐶 Kuwento ni Mike Bigornia, guhit ni Charles Funk, at limbag ng Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Nawawala si Muningning
    5/8/22

    Nawawala si Muningning

    Mayroon ka bang alagang hayop? Kung oo, nawala na ba sa iyong paningin ang iyong mahal na alaga? 🤔 Hmm..

    Tara't ating pakinggan ang kuwento ni Teacher Dianne na pinamagatang Nawawala si Muningning 🐱 Ating alamin kung saan nagpunta at ano'ng nangyari sa kaibigang si Muningning! 😳

    Ito ay kuwento ni Michael M. Coroza, guhit ni Tokwa S. Peñaflorida, at limbag ng Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Si Hinlalaki
    3/29/22

    Si Hinlalaki

    Walang mabigat na poste pag katulong si Hinlalaki 👍🏽

    Ano naman kaya ang gamit ng ibang daliri? 🖐🏽🧐 Ating alamin sa kuwento ni Teacher Magan na pinamagatang Si Hinlalaki 👍🏽 Kuwento ni Virgilio S. Almario, guhit ni Hubert B. Fucio, at limbag ng Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Ang Mabait na Kalabaw
    3/29/22

    Ang Mabait na Kalabaw

    Ang mabait na kalabaw ay mapagbigay at mapagmahal 🥰

    Ano pa kaya ang mga katangian ng ating kaibigang kalabaw? 🤔Ating alamin mula sa kuwento ni Teacher Magan na pinamagatang Ang Mabait na Kalabaw 🐃 Kuwento ni Virgilio S. Almario, guhit ni Liza Flores, at limbag ng Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Tong, Tong, Tong, Pakitong-kitong
    3/29/22

    Tong, Tong, Tong, Pakitong-kitong

    Mahirap mahuli, sapagkat nangangagat! 🦀🦀🦀

    Ano kaya ang hayop na ito? 🤔 Ating alamin mula sa kuwento ni Teacher Magan na pinamagatang Tong, Tong, Tong, Pakitong-kitong! 🦀 Guhit ni Kat Melo at limbag ng Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Araw sa Palengke
    3/15/22

    Araw sa Palengke

    Ano-ano kaya ang makikita sa palengke at sino-sino ang makikilala doon? 🤔 Tara, sama ka. Ngayon ay araw ng palengke! 👩‍👧

    Panoodin at pakinggan natin ang kuwento ni Teacher Louay na pinamagatang Araw sa Palengke 👧 Kuwento ni May Tobias-Papa, guhit ni Isabel Roxas, at limbag ng Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Masayang Magtanim!
    3/11/22

    Masayang Magtanim!

    Ano kaya ang mga kailangan upang tumubo ang halaman? Hmm... 🤔

    Panoodin at pakinggan natin ang kuwento ni Teacher Louay na pinamagatang Masayang Magtanim! 🌱 Guhit ni Gelai Manabat at limbag ng Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Kayang-kaya!
    2/16/22

    Kayang-kaya!

    Kaya mo? Kaya ko ba? Kayang-kaya! 🤩

    Alamin kung ano pa ang mga kayang gawin ng isang batang paslit! 🤔 Ating panoodin at pakinggan ang kuwento ni Teacher Louay na pinamagatang Kayang-kaya! Kuwento ni Alyssa Judith Reyes, guhit ni Liza Flores, at limbag ng Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Ang Maliit na Kalabaw
    2/8/22

    Ang Maliit na Kalabaw

    Mabait at magiliw sa lahat ang maliit na kalabaw! 😃

    Ano pa kaya ang mga katangian ng ating kaibigang kalabaw? 🤔

    Ating alamin mula sa kuwentong Ang Maliit na Kalabaw. Iginuhit ito ni Liza Flores at inilimbag ng Adarna House.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Dumaan si Butiki
    10/4/21

    Dumaan si Butiki

    Nakita niyo ba ang ating kaibigang 🦎Butiki? Tumakbo kaya siya sa labas? O pumasok ulit sa loob? 🤔

    Tulungan niyo kaming hanapin ang ating munting kaibigan at pakinggan ang kuwentong Dumaan si Butiki! Isinulat ni Gigi Constantino at iginuhit ni Nazarene Sunga.

    Ang kuwentong Dumaan si Butiki ay nanalo ng Manguna sa Pagbasa Short Story Writing Contest, taong 2014 at naparangalan ng Best Reads for Kids ng National Children's Books Awards, taong 2016.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa

  • Maghapon Namin ni Nanay
    9/29/21

    Maghapon Namin ni Nanay

    Ano kaya ang mga puwede naming gawin ni Nanay buong araw? 👩‍👧 Hmm... 🤔

    Ating alamin mula sa kuwentong Maghapon Namin ni Nanay! Isinulat ni Genaro Gojo Cruz at iginuhit ni Nicole Lim.

    #AGFI #bawatbatangFilipinonakababasa